Heneral Luna (Panunuring Pampelikula)
Sinematograpiya
May
mga porsiyon ng pelikula na maganda at nasa wastong anggulo ang pagpihit sa
lente ng kamera, ngunit kadalasan masyadong mabilis ang galaw sa pagkuha ng “view” kung saan hindi maganda sa
mata ng mga manonood. Maganda rin ang timpla ng ilaw spagkat ipinapakita nito
ang dating panahon kung kalian naganap ang pangyayari.
Tunog at Musika
Ang tunog at musika ay
naaayon sa totoong pangyayari sa bawat tagpo. Nakatutulong ito upang pukawin
ang damdamin ng mga manonood na kung saan nadarama ang mga eksenang
ipinapakita. Sa pamamagitan ng musika nabigyang hustisya ang kaganapan sa
palabas.
Disenyong Pamproduksyon
Ipinapakita ang tamang
panahon, naipakita ang kaangkupan ng lugar sa eksena. Ang kasuotan at pook na
pinangyarihan ay angkop sa panahon kung kalian nangyari. Naging makatutuhanan
at naipakita ang pagiging epektibo ng kanilang disenyong pamproduksyon.
Iskrip
Maganda ang pagkasunud-sunod
ng pangyayari kung saan mas lalong naintindihan ng mga manonood ang pangyayari.
Ngunit sa kabilang banda naging katawa-tawa ang binibitawang salita ng mga
karakter kung kaya’t nagiging katawa-tawa ang pelikula na naging dahilan na
hindi ito kapani-paniwala.
Pagdidirihe
Sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan ng
director naging malinaw ang takbo ng kuwento. Naging malinaw ang mensaheng
gustong ipakita ng pelikula sa mga manonood.
Pag-eedit
Ang pag-eedit ng pelikula ay
masasabing maganda dahil sakto ang oras,
hindi ito masyadong mahaba at hindi naman bitin para sa mga manonood.