Linggo, Oktubre 4, 2015




SUNDALO
Ni; Rynie B. Nacion

Mahigit tatlong taon ang nakaraan.
Nakita na kita at sabik na mahagkan.
Gusto kitang lapitan at halikan.
Ngunit paano, hindi ko alam.

Nang ika’y lumapit, niyakap ka nang mahigpit.
Patak ng luha ko sa iyong damit.
Pangungulila’y unti-unting nawawaglit,
Dahil ikaw anak sa aki’y pinagkait.

Ako’y nagtataka, walang luha iyong mga mata.
Nahimasmasan lang nang bumulong ka.
“Ina, huwag kang mag-alala miss kita,

Anak mo’y sundalo na ‘di pwede ang mahina”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento