SABI NILA
Rynie B. Nacion
Sabi nila, sa bahay ka at walang ginagawa.
‘Di alam, ikaw ang unang gumigising t’wing umaga.
Nagluluto ng almusal upang may ihain sa mesa.
Lahat sa kanya inaasa, pati damit, s’ya ang naglalaba
Antok ay ‘di inaalintana, pag may nagkasakit sa pamilya.
Sabi nila, sa bahay ka at walang problema.
Eh, sino ba ang nagbubudget sa isang linggong igagasta?
Kapag alanganin, parang
baliw saan pupunta.
Minsan ang anak ay nagwewelga pa,
Dahil kulang ang baon sa eskwela.
Sabi nila, sa bahay ka at walang kinikita.
Bahala na ang mahalaga ang kapakanan nila,
Aanhin ang pera kung mga anak ay mapariwara.
Kaya ikaw ina ‘di
matutumbasan ng kahit anong halaga.
Sapagkat wala kang kapantay, ika’y napakadakila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento