Linggo, Oktubre 4, 2015



MAIBABALIK PA KAYA?
Ni: Rynie B. Nacion

Ramdam ko pa nu’ng araw na tayo’y magkasama.
Naninirahan ng simple at walang problema..
Maliit man ang kita, ang mahalaga buo ang pamilya.

Ngunit isang araw, ika’y lumisan.
Pumunta sa malayo at nangibang bayan.
Mukhang Masaya, napalitan ng kalungkutan.

Mga tao’y lumipas at ika’y dumating.
Amang sabik, sa anak bumaling.
Anong pait, anong sakit ‘di ka pinansin.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento