Linggo, Oktubre 4, 2015




Heneral Luna (Panunuring Pampelikula)

Sinematograpiya
May mga porsiyon ng pelikula na maganda at nasa wastong anggulo ang pagpihit sa lente ng kamera, ngunit kadalasan masyadong mabilis ang galaw sa      pagkuha ng “view” kung saan hindi maganda sa mata ng mga manonood. Maganda rin ang timpla ng ilaw spagkat ipinapakita nito ang dating panahon kung kalian naganap ang pangyayari.

Tunog at Musika
Ang tunog at musika ay naaayon sa totoong pangyayari sa bawat tagpo. Nakatutulong ito upang pukawin ang damdamin ng mga manonood na kung saan nadarama ang mga eksenang ipinapakita. Sa pamamagitan ng musika nabigyang hustisya ang kaganapan sa palabas.

Disenyong Pamproduksyon
Ipinapakita ang tamang panahon, naipakita ang kaangkupan ng lugar sa eksena. Ang kasuotan at pook na pinangyarihan ay angkop sa panahon kung kalian nangyari. Naging makatutuhanan at naipakita ang pagiging epektibo ng kanilang disenyong pamproduksyon.

Iskrip
Maganda ang pagkasunud-sunod ng pangyayari kung saan mas lalong naintindihan ng mga manonood ang pangyayari. Ngunit sa kabilang banda naging katawa-tawa ang binibitawang salita ng mga karakter kung kaya’t nagiging katawa-tawa ang pelikula na naging dahilan na hindi ito kapani-paniwala.

Pagdidirihe
Sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan ng director naging malinaw ang takbo ng kuwento. Naging malinaw ang mensaheng gustong ipakita ng pelikula sa mga manonood.

Pag-eedit
Ang pag-eedit ng pelikula ay masasabing maganda dahil sakto ang  oras, hindi ito masyadong mahaba at hindi naman bitin para sa mga manonood. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento